Marilou Danley, nakaalis na ng Pilipinas pabalik ng Las Vegas

     3 weeks ago
22
Leave a Comment
4 SHARE

Nakaalis na muli ng bansa si Marilou Danley, ang girlfriend ni Stephen Paddock na suspek sa mass shooting sa Las Vegas.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na umalis ng bansa si Danley kagabi patungo sa Los Angeles, California.

Ayon kay BI spokesperson Ma. Antonette Mangrobang, sakay si Danley ng Philippine Airlines flight PR102 pabalik ng US.

At batay sa impormasyong nakuha ng BI, dumating si Danley sa Los Angeles Airport alas 10:00, Miyerkules ng umaga oras sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng Las Vegas police na pababalikin nila sa US si Danley dahil marami silang nais na klaruhin dito bilang bahagi ng imbestigasyon sa mass shooting na ikinasawi ng halos 60 katao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.

READ  Pagkakasangkot sa panunuhol sa mga high-profile inmate, itinanggi ni Rep. Alonte

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments