Marilou Danley nasa Pilipinas ayon sa Bureau of Immigration

     3 months ago
49
Leave a Comment
0 SHARE

Kinumpirma ng isang opisyal ng Bureau of Immigration na dumating sa bansa ang pinaniniwalaang karelasyon ni Steve Paddock, ang namaril sa Las Vegas na ikinasawi ng hindi bababa sa 59 katao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.

Si Marlou Danley ang Pinay-Australian na itinuring na person of interest sa insidente ng mga otoridad sa Las Vegas.

Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang BI official dahil pribadong tao si Danley at idineklarang cleared ng mga otoridad.

Tiniyak naman ng naturang opisyal na makikipag-ugnayan ang kawanihan sa kanilang international counterparts kaugnay nito.

Nauna nang sinabi ng mga otoridad sa Las Vegas na nasa bansa si Danley habang nagaganap ang pamamaril kahapon sa Las Vegas strip./

READ  Duterte: Stage 3 ang insanity ni Trililing

Source link

0 SHARE

Post Comments