Marilou Danley, pababalikin sa US para sagutin ang mga katanungan tungkol kay Stephen Paddock

     3 weeks ago
60
Leave a Comment
0 SHARE

Noon pang September 25 o isang linggo bago ang mass shooting sa Las Vegas nang dumating sa bansa si Marilou Danley.

Ayon kay Las Vegas Assistant Sheriff Todd Fasulo, dahil nananatiling “person of interest” si Danley na girlfriend ng suspek na si Stephen Paddock, pababalikin siya sa Estados Unidos para maisailalim sa pagtatanong.

Nang mapasok ng mga otoridad ang hotel room ni Paddock sa Mandalay Bay, maliban sa 23 mga armas ay nakita rin sa loob ang casino card na nakapangalan kay Danley.

Sinabi ni Fasulo na sa susunod na 48 oras, ibabalik ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Danley sa US mula sa Pilipinas.

READ  Duterte: Totoong may DDS - DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Naniniwala kasi ang mga otoridad na malaki ang maitutulong ng mga makukuha nilang impormasyon mula kay Danley para malaman ang motibo ni Paddock.

Batay sa rekord ng immigration sa NAIA, si Danley ay dumating sa bansa noong September 25 galing sa Hong Kong sakay ng Cebu Pacific flight 5J 115.

Tubong La Union umano si Danley na ang hawak sa ngayon ay Australian passport.

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments