Martial law extension suportado ng mga opisyal ng Lanao Del Sur

     5 months ago
34
Leave a Comment
18 SHARE

Welcome sa mga opisyal ng Lanao del Sur ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Pero panawagan ni Assemblyman Zia Alonto Adiong, Spokesman ng Lanao Del Sur Provincial Disaster Management Committee, dapat munang tiyakin ng pamahalaan na hindi lang ang opensiba sa Maute ang ipagpatuloy kundi tiyakin rin na maibibigay ang pangangailanan ng mga evacuees.

Mahalaga rin na mailatag muna ang recovery plan ayon pa sa opisyal.

Binigyang diin pa ni Adiong na pinakamahalaga sa mga residente ng Lanao del Sur na maibalik ang kanilang normal na pamumuhay habang nasa ilaim ng batas militar.

READ  'Martial Law, mahalaga at kailangan sa Mindanao' - Lorenzana

Inamin rin ng opisyal na dahil sa pagkatig ng Supreme Court sa legalidad ng batas militar sa Mindanao ay hindi na rin sila pumalag sa implementasyon ito.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang ipatupad ang martial law sa Mindanao ng hanggang sa December 31 mara matiyak na ligtas ang rehiyon sa banta ng terorismo.

Source link

18 SHARE

Post Comments