Martin Diño sinibak ni Duterte bilang SBMA chairman; itinalaga si Eisma na administrator at chair

     3 months ago
39
Leave a Comment
8 SHARE

Pormal nang tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito ay matapos ilabas ng Malacañang ang bagong apppointment paper ni Wilma Eisma bilang chairperson at administrator ng SBMA.

Wala pa namang appointment si Diño para sa posibleng bagong posisyon sa Duterte administration.

Una rito, ibinalik na ngayon ni Pangulong Duterte sa administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority ang trabaho at kapangyarihan ng Chairman of the Board of Directors.

Sa nilagdaang Executive Order 42 ni Pangulong Duterte, ibinabasura na nito ang Executive Order 340 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naghihiwalay sa trabaho ng chairman at administrator ng SBMA.

READ  Pagpapaubaya ni Duterte ng anti-drug war sa PDEA, hindi 'cover-up' sa kabiguan ng PNP - Palasyo

Nakasaad sa bagong Executive Order na ibinabalik na ang trabaho ng administrator batay sa nakalagay sa Section 13 ng Republic Act 7227 na nagsasabing ang administrator ng SBMA ay siya ring automatic na chairman ng Board of Directors.

Sa kasalukuyan, si  Diño ang chairman ng SBMA Board habang administrator naman si Wilma Eisma na naglikha ng kalituhan sa kung sino ang tunay na mamumuno at masusunod sa SBMA.
Inihayag naman ni Presidential Spokesman Ernest Abella na “civil” ang relasyon nina Pangulong Duterte at Diño.

Si Diño ay dating barangay kapitan sa Quezon City at naging chairman din ng VACC.

Kung maalala noong huling presidential elections nagkunwari umanong itong tatakbo sa pagkapangulo ng bansa pero sa huli ang pangalan ng Pangulong Duterte ang ipinalit sa kanyang pangalan.

READ  AFP, walang itinatakdang deadline sa gulo sa Marawi

Source link

Post Comments