Marylou Danley itinuturing na person of interest sa Las Vegas mass shooting

     3 weeks ago
188
Leave a Comment
0 SHARE

Isang babae na pinaniniwalaang kasama ng napatay na suspek sa pamamaril sa Las Vegas strip ang itinuturing na person of interest ngayon ng mga otoridad.

Sinabi ni Las Vegas Metropolitan Police Sheriff Joe Lombardo na isang Asian-looking na babae na kinilalang si Mary-lou Danley ang kanilang hinahanap.

Si Danley ay sinasabing may taas na 4’11” at humigit kumulang ay may 111lbs na timbang ayon sa pahayag ng opisyal.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Lombardo na naglagay na sila ng mga road blocks sa Las Vegas para harangin ang isang Hyundai Tucson na may Nevada plate na 114B40 at isang Chrysler Pacifica na may plakang 19D401 na sinasabing naka-rehistro sa pangalan ni Danley.

READ  ‘PLEASE DON’T HURT HIM’ | Wife of NDFP consultant Vic Ladlad appeals to Bato

Pinuntahan na rin ng mga otoridad ang bahay ng nasabing babae pero bigo silang matagpuan ito.

Sa pinakahuling tala ng Las Vegas authorities, umaabot na sa 20 ang patay samantalang mahigit sa 100 ang sugatan sa nasabing pamamaril.

Karamihan sa mga biktima ay tinamaan ng bala sa kani-kanilang mga ulo.

Napatay naman sa 32nd floor ng Mandalay Bay Casino ang suspek sa pamamaril.

Hanggang sa kasalukuyan  ay nakasara pa rin ang mga gusali sa bahagi ng Las Vegas strip habang patuloy ang pagtugis kay Danley.

 



Source link

0 SHARE

Post Comments