‘Mayor Mabilog pinalawig pa ng 1-month ang ‘sick leave’ dahil sa matinding stress’

     3 months ago
29
6 Comments
21 SHARE

ILOILO CITY – Hindi pa rin makakabalik sa trabaho si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Inanunsyo ngayon bago magtanghali ni Atty. Mark Piad, tagapagsalita at legal counsel ng alkalde, pinalawig ni Mayor Mabilog ng isa pang buwan ang sick leave nito o hanggang katapusan ng Oktubre.

Sinabi ni Piad sa panayam ng Bombo Radyo na nagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan ang alkalde dahil sa matinding stress na iniinda ngayon.

Hindi pa rin daw kasi ligtas ang alkalde at ang buhay ng kaniyang pamilya.

Una nang sinabi ng kampo ng alkalde na na-diagnose na may Type 2 diabetes ang city mayor.

Tumanggi pa rin si Atty. Piad na sabihin kung nasaan ngayon si Mayor Mabilog o kung nakabalik na ito sa bansa.

READ  Were Parojinog killings state-sanctioned? Hontiveros wants to know via Senate probe | News5

Pero nanindigan na hindi pa rin magre-resign ang alkalde at babalik sa trabaho kapag bumuti na ang kondisyon.

Una nang sinabi ni Police Regional Office 6 director C/Supt. Cesar Hawthorne Binag na mismong si Mabilog ang nakipag-usap kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa para sa kaniyang seguridad.

Source link

Post Comments