Mayor Sarah welcome ang gagawing imbestigasyon ng ombudsman hinggil sa umanoy yaman ng pamilyang Duterte

     3 months ago
13
Leave a Comment
0 SHARE

Davao City – Malugod na tinanggap ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang plano sa Office of the Ombudsman na magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa umanoy kayamanan ng pamilyang Duterte.

Sa inilabas na pahayag ni Inday Sara, sinabi nito na mas maigi na gawin ng Ombudsman ang nasabing hakbang upang kanila umanong masagot ang lahat na paratang.

Una nang lumabas ang report na paiimbestigahan ng Ombudsman ang mga yaman ni Duterte na umabot umano sa bilyon pesos.

Binigyan na rin ng kapangyarihan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na hawakan ang kaso ng mga Duterte.

READ  DSWD Assistant Secretary: VP Leni is mere puppet of Yellows

Inaprubahan na rin ni Carandang ang hiling ng Deputy Ombudsman for Mindanao na makuha ang final report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa mga bank transactions sa pamilyang Duterte ng Alkalade pa ito sa lungsod ng Davao.

Inirekomenda kaagad ni Carandang na magsasagawa ng fact finding investigation matapos ma-evaluate sa kanyang opisina ang natanggap na reklamo na inihain ni senador Antonio Trillanes IV.

Source link

0 SHARE

Post Comments