McGregor boksingero na; Laban kay Mayweather kinakasa na

     11 months ago
302
Leave a Comment
48 SHARE

Magkakaroon na ng karapatan lumaban sa isang professional boxing ring si UFC two-division Champion Irishman Conor McGregor matapos maipagkaloob sakanya ang lisensya para dito ng California State Athletic Commission (CSAC).

Ayon kay CSAC executive officer Andy Foster, kwalipikado si McGreggor makilahok sa larangan ng professional boxing, at ikatutuwa nilang masaksihan siya na lumalaban sa California..

Sumunod ang desisyon na ito matapos bawiin ng pamunuan ng UFC ang Featherweight title mula kay McGreggor.

Naging usap-usapan narin ang posibilidad na makakalaban umano ni McGregor si Floyd Mayweather Jr. ngunit pinabulaanan na ito ng retiradong boksingero.

Matatandaan na binanatan na ni Mayweather ang mga media at fight sports fans na pumipilit sakanya na bumalik sa boksing matapos nitong sabihin na ginagamit lang ng ibang atleta ang kanyang pangalan para pasikatin ang sarili.

READ  Hero’s burial naghihintay sa napaslang ng Abu Sayyaf na AFP official

Post Comments