Memo ni Pres. Duterte para sa work, class suspension sa Sept. 21 ‘di saklaw Lehislatura, Hudikatura – Palasyo

     3 months ago
41
Leave a Comment
0 SHARE

Nilinaw ngayon ng Malacañang, partikular ng Office of the Executive Secretary (OES) na tanging mga nasa ilalim ng Executive Branch ang saklaw ng Memorandum Circular 26 kaugnay sa idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte para bukas, Setyembre 21.

Batay sa nasabing MC na pirmado ni acting Executive Secretary Menardo Guevarra, suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno kabilang sa local government units (LGUs), mga pampubliong paaralan sa lahat ng antas, state universities and colleges (SUCs) at mga government technical and vocational schools.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mga ibang sangay ng gobyerno gaya ng Lehislatura at Hudikatura kung saan walang hurisdiksyon ang Ehekutibo ay hindi saklaw ng MC.

READ  Pambato ng Phl sa Miss World, umapelang iboto para pasok agad sa Top 40 sa coronation bukas

Ayon kay Abella, ang mga manggagawa sa gobyerno na naatasang magtatrabaho bukas ay mababayaran sa pamamagitan ng compensatory time-off sa oras ng paninilbihan sang-ayon sa Civil Service Commission (CSC) rules and regulations.

Ang DSWD, Department of Health (DoH), Bureau of Fire Protection (BFP) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay naatasang magtalaga ng emergency assistance personnel sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.

Ang pagsuspinde naman ng trabaho at klase sa private sector ay nakadepende na sa kani-kanilang mga pinuno o management.

“As per the Office of the Executive Secretary, the Memorandum Circular will only cover the executive branch of government, including local government units, and public schools at all levels, including state-and LGU- universities and colleges/technical and vocational schools. The other branches of government where the executive branch has no jurisdiction is not covered by the MC. Government employees who will be assigned to report for work on September 21 shall be remunerated through compensatory time-off for hours of work rendered, per Civil Service Commission (CSC) rules and regulations. Suspension of work in the private sector and classes in private schools in the affected areas is left to the sound discretion of their respective heads,” ani Abella.

READ  'Patunayang may HK bank deposit ako kahit $1 lang, mag-resign ako agad bilang pangulo' - Duterte

Source link

Post Comments