Mental Health Act, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

     1 week ago
11
1 Comment
4 SHARE

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang Comprehensive Mental Health Act.

Ayon kay House committee on health chair Quezon Rep. Angelita Tan, layon ng panukalang ito na mabigyang kahalagahan ang mental health ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan aniya nito, makapagbibigay ang gobyerno ng tulong sa mga nakararanas ng mental ailments hindi lang sa mga specialized institutions kundi pati na rin sa malalaking state-owned na mga ospital sa mga lalawigan.

Ayon naman kay Antipolo Rep. Chiqui Roa Puno na isa sa mga may akda ng panukala, layon din nitong i-promote ang mental wellness at pigilan o agapan ang mga problema sa mental health.

READ  ‘LOUSY’ COUNTRY | Duterte says he will never again set foot in the U.S. | News5

Inaasahang makatutulong ito sa libu-libong mga Pilipinong may mental health conditions, at para hindi na nila maramdaman na walang nakakaunawa sa kanila.

Sa ilalim ng panukalang batas, imamandato sa Department of Health (DOH) ang pagbuo sa isang national mental healthcare program sa tulong ng mga taong may mental health problems, kanilang mga kaanak at kinabibilangang organisasyon, pati na ang mga mental health professionals.

Aatasan din ang DOH na maipaabot ang mental healthcare system hanggang sa mga lalawigan.

Source link

4 SHARE

Post Comments