Mga anak ng pangulo dumating na sa Batasan Pambansa Complex

     2 months ago
110
Leave a Comment
22 SHARE

Maagang dumating sa Batasan Pambansa Complex ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Davao City Mayor Inday Sarah ang kanyang kulay Pink na dress.

Pareho namang naka-suot ng Barong sina Davao City Vice Mayor Paulo Duterte at Baste Duterte.

Isang oras bago ang 4PM SONA ng pangulo ay nakapwesto na sa loob ng plenary hall ng Batasang Pambansa Complex ang mga mambabatas at ang mga bisita na sasaksi sa ulat sa bayan ng Pangulo.

Bago tuluyang makapasok sa Kamara ay dadaan sa maraming checkpoints ang mga bisita ng SONA.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na posibleng lumampas sa isang oras ang ikalawang SONA ng pangulo ngayong araw.

Source link

22 SHARE

Post Comments