Mga baybayin, bahagi ng drug smuggling routes

     2 months ago
15
Leave a Comment
5 SHARE

Pinababantayan ngayon ni Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga baybayin ng Ilocos region.

Ayon kay Dela Rosa, posibleng ginagamit ng mga drug lord ang mga baybayin bilang entry point ng iligal na droga.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Dela Rosa na napasarado na ang mga shabu laboratory sa rehiyon ng Ilocos at naputol na rin ang mga supply route sa Bureau of Customs. Kaya naman ang bagong ‘strategy’ umano ng mga drug lord ay ang pagda-drop ng mga droga na mayroong naka-install na GPS sa dagat, na kokolektahin naman sa baybayin ng Ilocos at Cagayan Valley.

READ  P29M ipinagkaloob ni Pangulong Duterte sa poultry farmers na naapektuhan ng bird flu

Matatandaang noong nakaraang taon ay sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Ilocos region director Jeofrey Tacio na ipinupuslit ang mga droga sa bansa sa pamamagitan ng West Philippine Sea.

Aniya, maaaring sinasamantala ng mga drug lord angmahabang coastline ng Pilipinas para makapagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Source link

5 SHARE

Post Comments