Mga heavy equipment na gagamitin sa pagsasaayos ng Marawi, dumating na sa Iligan City

     3 months ago
7
Leave a Comment
0 SHARE

Nakadaong na sa Port Of Iligan ang barko na may lulang mga Heavy Equipment na gagamitin sa Rehabilitasyon sa Marawi City.

Isinakay ng BRP Davao Del Norte ang mga naturang Heavy Equipment na kinabibilangan ng mga payloader, at back hoe na gagamitin sa pagtatayo ng mga temporary shelters ng mga naapektuhan ng giyera sa Marawi.

Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, Itatayo ang mga pabahay sa Barangay Sangonsongan.

Samantala, nabatid pa sa opsiyal na sa bayan muna ng Balo-i, Lanao del Norte ilalagay ang mga naturang kagamitan.

Maliban sa mga heavy equipment ay may karga ring relief goods, hygiene kit at mga laruan ang barko para sa mga batang bakwit.

READ  Bilang ng patay sa magnitude 8.1 na lindol sa Mexico, tumaas pa

Source link

0 SHARE

Post Comments