Mga kaanak ni Danley mailap magbigay ng pahayag sa nangyari sa kapatid

     2 weeks ago
0
Leave a Comment
4 SHARE

Mailap sa mga mamamahayag ang ilang mga kaanak ng kasintahan ng Las Vegas shooting suspek Stephen Paddock na si Marilou Danley.

Ayon sa mga kapitbahay nila simple at tahimik ang pamumuhay ng pamilya Bustos.

Inilarawan ng ilang kapitbahay ang pamilya ng kapatid ni Marilou Danley na si Reynaldo o Mang Rey, na ilang taon nang naninirahan sa Langkaan I, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ilang kapitbahay, kilala si Mang Rey bilang isang manghihilot, at ang asawa nitong si Maricel na nagtitinda ng tinapa at balut sa kalapit na talipapa tuwing hapon.

May walong anak at pawang may pamilya na umano ang mga nakatatanda dito, habang nag-aaral pa ang tatlong nakababata.

READ  Dance instructor ng kapatid ni Duterte haharap sa pagdinig ng Senado

Kaugnay niyan, ilang araw na umanong hindi nakikita si Mang Rey matapos mapabalitang kapatid niya ang nobya ng gunman na si Stephen Paddock sa Las Vegas mass shooting incident, pagkat madalas umano itong makitang naglalakad dito.

Source link

Post Comments