Mga kaso laban kay Mocha Uson, hindi iaatras ni Trillanes

     3 weeks ago
10
1 Comment
5 SHARE

 

Sa kabila ng pakikipagbiruan niya kay Communications Assistant Sec. Mocha Uson at pagpapa-picture nila nang magkasama, walang balak si Sen. Antonio Trillanes IV na i-atras ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa niya laban sa kalihim.

Matapos kasi ang Senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa fake news, game na game na nagpa-picture sina Uson at Trillanes nang magkasama.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Trillanes na bagaman ikinalugod niya ang “friendly gesture” ni Mocha nang magpa-picture ito sa kaniya, hindi aniya nito mababago ang katotohanan na may mga nilabag na batas ang kalihim.

READ  Duterte naglabas ng reward para sa mga Abu Sayyaf members sa Bohol

Ani Trillanes, tuluy-tuloy lang ang mga kasong isinampa niya laban kay Mocha.

Matatandaang nagsampa si Trillanes ng kasong grave misconduct at anim na kasong kriminal kabilang na ang libel laban kay Uson dahil sa pagkakalat umano nito ng fake news tungkol sa mga sinasabing offshore bank accounts ng senador.

Source link

5 SHARE

Post Comments