Mga mambabatas, binati si Pacquiao sa kabila ng pagkatalo kay Jeff Horn

     3 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

Sa kabila ng pagkatalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa laban kontra Australian boxer na si Jeff Horn, binati pa rin ng kanyang mga kapwa mambabatas ang Filipino champ at Senador.

Ipinunto ng mga kasamahan ni Pacquiao sa Senado na natalo man ang Filipino boxing champ, isang maganda laban naman kanyang ipinakita sa taumbayan.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara na manalo o matalo man, mananatiling proud ang mga Pinoy kay Pacquiao, at sa ginawa niya para sa buong bansa.

Pinuri naman ni Sen. Joel Villanueva ang ipinakitang lakas at tapang ni Pacquiao sa laban, at isa aniya ang Pambansang Kamao sa pinakamagagaling fighter ngayong henerasyon.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Nancy Binay na ipinakita ni Pacquiao na kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mas batang katunggali tulad ni Horn.

Sa panig ni Sen. Cynthia Villar, sinabi nito na walang makakapantay sa kagalingan ni Pacman sa larangan ng boxing.

Sa puso aniya ang bawat Filipino ay mananatiling ‘true champion’ si Pacquiao.

Habang binabati naman ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate si Pacquiao, sinabi din nito na ito na ang tamang panahon para mas pagtuunan ng pansin ni Pacquiao ang kanyang trabaho sa Senado.

Sa iskor na 117-111, 115-113 at 115-113, tinalo ni Horn si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision ng tatlong hurado.

Source link

3 SHARE

Post Comments