Mga media na konti lang ang sweldo pinapasali ni Duterte sa rally ngayon September 21

     3 months ago
105
5 Comments
170 SHARE

“Pati ako ay sasama sa rally sa September 21”.

Yan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang ambush interview sa Caloocan City.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na idedeklara niya bilang National Day of Protest ang September 21.

Ayon sa pangulo, “Lahat ng may nga reklamo sa gobyerno, sa pulis pati na rin sa mga sundalo ay imbitado sa gagawin nating rally”.

Pabiro ring sinabi ng pangulo na sasama siya sa rally dahil kakarampot daw ang sweldo ng mga tauhan ng pamahalaan kasama na siya.

Ipinaliwanag ng pangulo na suspendido rin ang pasok sa klase, pati sa mga tanggapan ng pamahalaan sa September 21.

READ  Pangulong Duterte, dumalaw sa burol ng sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf

Pagbabawalan rin umanong makialam sa mga kilos-protesta ang mga pulis at sundalo para bigyan ng laya ang mga mamamayan na maghayag ng kanilang saloobin sa pamahalaan.

“Pati kayong mga miyembro ng media na konti lang ang sweldo sumama kayo sa rally”, dagdag pa ng pangulo.
Source link

170 SHARE

Post Comments