Mga online trolls kakasuhan na ni Robredo

     3 months ago
38
Leave a Comment
26 SHARE

Hahabulin na ni Vice President Leni Robredo ang mga trolls o mga naninira sa kanya sa internet.

Planong kasuhan ni Robredo ang mga nagpapakalat ng malisyoso at mapanirang balita hindi lamang sa kanya at kanyang pamilya kundi pati sa yumao niyang asawa na si dating Interior Sec. Jesse Robredo.

Ayon sa pangalawang pangulo, inaalam na ng kanyang mga abogado kung anu-anong legal action ang maaari nilang gawin laban sa mga naninira sa kanila.

Panahon na aniya para matigil ang malawakan at planadong kampanya para siraan siya at kanyang pamilya na nagtatago sa social media.

Sa kabila nito nanawagan si Robredo na kahit na gaano nakakagalit ang mga paratang ay dapat na hanapin ng bawat isa ang lakas at tapang para mangibabaw ang katotohanan at manatiling magalang at tapat sa lahat ng pagkakataon.

Nanindigan pa si Robredo na hindi sila natatakot dahil nasa panig sila ng katotohanan at handa na silang lumaban.

Source link

26 SHARE

Post Comments