Mga pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyo sa Caloocan, pinaiimbestigahan ni Duterte

     1 month ago
54
Leave a Comment
24 SHARE

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iimbestiga sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa menor de edad na si Kian Delos Santos sa isang anti-drug operation sa Caloocan City.

Ito ay sa gitna ng tumitinding galit ng publiko sa umano’y sinadyang pagpatay sa Grade 11 student.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, binalaan nito ang mga pulis na wag abusuhin ang kanilang kapangyarihan.

Pero sa kabila ng pagtiyak na mananagot ang mga abusadong pulis, sinabi ng pangulo na magpapatuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Una nang sinabi ni Abella na ang pagkakapatay kay Kian ay isang “isolated” incident.

Nangako naman si National Capital Region police chief Director Oscar Albayalde na walang mangyayaring cover up at ipinag-utos na din ang pagsibak sa puwesto ni Caloocan police chief Senior Supt. Chito Bersaluna at tatlo pang pulis na sangkot sa pamamaril sa binatilyo.

Sinabi din ni Abella na tiniyak ni Albayalde sa publiko na hindi kukunsintihin ang mga mali at iligal na gawain ng mga pulis.

Source link

24 SHARE

Post Comments