MILF, tiwalang gagawing urgent bill ni Duterte ang BBL

     4 months ago
59
Leave a Comment
7 SHARE

 

Kumpyansa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na masesertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill ang kasalukuyang bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sakali kasing maging urgent bill ang BBL, mas tataas ang tsansa na maisabatas ito ng Kongreso.

Noong Lunes ay isinumite na ng Bangsamoro Transmission Commission (BTC) kay Pangulong Duterte ang kanilang draft ng BBL, na inaasahang ieendorso niya sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ilang linggo na ang nakalilipas, nangako si Duterte na hihilingin niya sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas, upang maitayo na agad ang Bangsamoro region sa lalong madaling panahon.

Ang nasabing draft na isinumite ng BTC ay pangalawang draft na dahil ang una ay isinumite noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

READ  Mga sundalo sa Marawi, ginanahan sa pakikipaglaban matapos mapanood ang SONA ni Pangulong Duterte

Nakalusot sa Senado at Kamara ang panukalang batas, ngunit hindi naman natalakay sa plenaryo.

Bagaman kinikilala nila ang pagsusulong noon ni Aquino na maaksyunan ang unang draft BBL, naniniwala ang MILF na kailangan ng pormal na sertipikasyon para mas mapabilis ang proseso nito sa Kongreso.

Naniniwala rin ang MILF na dahil pare-parehong mula sa Mindanao ang pangulo pati na ang House Speaker at Senate President, mas malaki ang tsansa na maisabatas ang BBL dahil alam nila na nasa Mindanao ang problema.

Ayon pa sa MILF, wala nang ibang “logical way” sa pag-usad kundi ang landas ng kapayapaan, kasabay ng pagtupad ng gobyerno sa mga ipinangako nito.

READ  Pangunahing suspek sa pagkamatay ni “Atio” kakasuhan na ng MPD

Source link

7 SHARE

Post Comments