MMDA inabisuhan na ang motorista sa ipatutupad na re-routing sa SONA

     4 months ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Inabisuhan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa ipatutupad na traffic re-routing sa Lunes, July 21, araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa MMDA, ang mga motorista na magmumula sa Commonwealth Avenue ay maaring kumanan sa Fairlane, kanan sa Dahlia, kaliwa sa Chesnut at diretso sa Sauyo Road patungo sa Mindanao Avenue at pabalik.

Ang mga galing naman sa SM Fairview at Robinsons Fairview ay maaring dumaan sa Quirino Highway at diretso sa Mindanao Avenue at pabalik.

Ang mga motorista na mula sa Fairview o Mindanao Avenue ay maaring kumanan na sa Jordan Plains patungo sa Quirino Highway at diretso sa Mindanao Avenue.

READ  Cellular Network Services, pansamantalang puputulin sa pagbisita ni Duterte sa MassKara Festival sa Bacolod

Inaasahan nang makararanas ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapikosa kahabaanng Commonwealth Avenue sa Lunes.

Ito ay dahil sa mga kilos protesta na magaganap sa SONA ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments