Mocha kay Trillanes: Ang guwapo niyo pala senator sa personal

     2 months ago
52
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi binigo ni Sen. Antonio Trillanes ang request ni Presidential Communication Office Asec. Mocha Uson na magpakuha silang dalawa ng litrato.

Habang naka-break ang pagdinig ng Senado kaugnay sa fake news ay nilapitan ni Uson si Trillanes at nakiusap para sila ay magpa-picture.

Game naman na pinagbigyan ito ng mambabatas.

Sinabi ng mga nakasaksi na narinig nila si Mocha na nagsabing “Ang gwapo nyo po pala senator sa personal…hindi po fake news yan”.

Kaagad naman na sumagot si Trillanes, “Konti pa…konti pang pambobola at baka iurong ko na ang mga kaso”.

May kinalaman ito sa mga kasong isinampa ng mambabatas sa Malacañang official kaugnay sa isinulat nito sa kanyang blog na may mga itinatagong bank accounts sa abroad si Trillanes.

READ  Trump aminadong nag-enjoy sa pagdalo sa ASEAN Summit sa bansa

Sinabi pa ng mambabatas na hindi na sana siya pupunta sa hearing kundi lamang siya na-miss ni Mocha.

Source link

0 SHARE

Post Comments