Morales babaguhin ang Anti Wiretapping Law; Pagbibigay ng Immunity sa mga imbestigador kinakasa ng Ombudsman

     10 months ago
595
Leave a Comment
73 SHARE

Suportado umano ng Office of the Ombudsman ang proposal ng Kongreso na amyendahan ang Anti-Wiretapping Law.

Ito ang kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, kung saan mas nais umano nila ng mas maluwag na bersyon ng naturang batas dahil makakatulong umano ito sa imbestigasyon at prosekyusyon ng mga kurap na opisyal ng gobyerno.

Giit ni Morales, mapapakinabangan ang wiretapping para sa mga kasong may kaugnayan sa graft at corruption pero pigil ang mga imbestigador dahil kinokonsidera itong krimen sa kasalukuyang Konstitusyon bunsod ng paglabag sa right to privacy at laban din umano ito sa di makatarungang paghahanap ng ebidensiya.

Dagdag ng Ombudsman, palalawigin ng mas liberal na Anti-Wiretapping Law ang kapangyarihang mag imbestiga ng Ombudsman, kabilang na ang pagbubukas ng mga bank accounts kaya naman hindi lamang umano dapat ang wiretapping law ang amyendahan ng Kongreso, pati na rin ang Republic Act 6770 o ang Office of the Ombudsman Act of 1989 pati na ang Republic Act 1405, o tinatawag na Bank Secrecy Law.

READ  Senator Joel Villanueva pinapatanggal sa Senado ng Ombudsman

Sinabi rin ni Morales na ikakasa rin niya ang pagpasa ng panukalang magbibigay ng immunity sa mga imbestigador at prosecutors ng Ombudsman mula sa mga kasong kriminal, administratibo at civil bunsod ng kanilang mandato at trabaho.

Post Comments