Motion for reinvestigation ni Angel Manalo, ibinasura

     1 month ago
30
Leave a Comment
2 SHARE

Pinagtitibay ng Quezon City Prosecutor’s Office ang nauna nang resolusyong nagsasabing may “probable cause” ang kasong “illegal gun possession” na isinampa laban kay Felix Nathaniel “Angel Manalo” at dalawang iba pa.

Sa isang resolution na inilabas ni Senior Assistant City Prosecutor Veronica Pagayatan, sinabi nitong walang rason upang baliktarin ang March 6 resolution na inilabas ni inquest prosecutor ni Nilo Peñaflor laban kay Manalo at sa dalawa pa.

Bukod kay Angel Manalo, kabilang sa respondents ang pamangkin niyang si Victor Eraño Manalo Hemedez at ang ex-Marine officer na si Jonathan Ledesna,

Matatandaang naghain ng motion for reinvestigation ang kampo ni Manalo na ipinagkaloob naman ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 noong Hunyo.

READ  'She paints us as environmental rapists'

Gayunpaman, sinabi ni Pagayatan na ang mga inihaing argumento ng respondents ay pag-uulit lamang sa nauna na nilang argumento sa kanilang inihaing motion to quash.

Iginiit naman ni Pagayatan na ang kanyang resolusyong inilabas ay hindi pagtukoy na guilty agad ang mga respondents kundi mayroon lamang anyang probable cause para magtuloy ang kaso.

Matatandaang naghain ang Quezon City Police District (QCPD) ng search warrant sa pamamahay ng kampo nina Manalo noong March 2.

Ayon sa QCPD, narekober ang mga matataas na kalibre ng armas sa compound ng mga Manalo.

Mananatili sa kanilang detention site sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City sina Manalo, Hemedez at Ledesma.

READ  Duterte vows to reveal all about DAP funds' misuse as he hits Aquino, Abad, Trillanes

Source link

2 SHARE

Post Comments