MPD, nagpaliwanag sa kampanya kontra-petty crimes

     7 days ago
14
Leave a Comment
4 SHARE

Sa mga maliliit na krimen o paglabag sa mga simpleng ordinansa nagsisimula ang malalaking krimen.

Ito ang paliwanag ni Manila Police District Spokesman, Supt. Erwin Margarejo sa gitna ng mga batikos na inaani ng MPD patungkol sa mga hinuhuling indibiduwal na lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Kamakailan ay sinimulan ng MPD ang panghuhuli sa mga nag-iinuman sa mga lansangan, nagdadala ng mga patalim, nagsusugal sa kalye gaya ng cara y cruz,  baraha at iba pang paglabag sa kasalukuyang umiiral na city ordinance.

Iginiit ni Margarejo na nagsisimula sa mga maliliit na paglabag ang mga malalaking insidente kaya habang maaga pa ay pinagtutuunan na nila ng pansin o habang hindi natututo ang mga Manileño na sumunod sa batas na mahigpit na ipinaiiral sa Manila.

READ  Supt. Marcos, pwede pang mapromote-PNP Chief

Ayon kay Margarejo,  kung hindi nila paghuhulihin ang mga rugby boys, umiinum sa pampublikong lugar, nagsusugal ng kara y cruz at iba pang mga paglabag sa mga Ordinansa ay makakasanayan na sa Lungsod ang ganuong uri ng pangit na  gawain na posibleng tularan ng mga kabataan sa Lungsod ng Maynila.

 

 

The post MPD, nagpaliwanag sa kampanya kontra-petty crimes appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM.

Source link

4 SHARE

Post Comments