Narco-Politics sa bansa, malala ayon sa Malacañang

     2 weeks ago
16
3 Comments
12 SHARE

Iginiit ng Palasyo na lubhang malala ang problema sa droga ng bansa lalo pa’t napasok na rin nito pati ang gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella ang lawak ng narco-politics kasunod ng pagsuko ni Sarangani Mayor Aniceto Lopez kay Sen. Manny Pacquiao.

Matatandaan na noong Biyernes, sumuko si Lopez kay Pacquaio at ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), militar at pulisya ang kanyang rest house kung saan nasamsam ang 5-milyong halaga ng shabu, mga armas at pampasabog.

Ani Abella, ang naturang insidente ay malinaw na larawan ng narco-politics sa bansa.

Dahil dito, muling nanawagan ang opisyal ng pagsuporta sa giyera kontra droga ng administrasyon.

READ  European Union, pinasalamatan ni Sen. De Lima sa panawagang palayain siya

Ayon kay Abella, nakadepende ang pag-unlad kontra iligal na droga sa suporta at kooperasyong natatanggap mula sa bawat isang mamamayan, Simbahan at mga komunidad.

Source link

12 SHARE

Post Comments