Nasa 10-15 mayors, governors, prominent businessmen nakalista sa ‘green book’ ni Mayor Lopez – PDEA chief

     2 weeks ago
31
Leave a Comment
14 SHARE

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Aaron Aquino na nasa 10 hanggang 15 na mayors, governors at mga prominenteng negosyante ang nasa “green book” o “drug matrix” ni Mayor Aniceto Lopez Jr., ng Maasim, Sarangani province.

Ito ay maliban kina Herbert Colangco, Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuerra mayor Rolando Espinosa.

Si Mayor Lopez ay nasa kustodiya na ng PDEA Region 12 matapos sumuko kay Sen. Manny Pacquiao ilang oras ang ginawang raid ng PDEA sa bahay nito kung saan nakumpiska ang ang isang kilo ng suspected shabu, ecstasy, small kitchen shabu laboratory, dalawang rifle grenade launcher, dalawang granada at dalawang colt caliber .45 pistol.

READ  Thousands of Filipino Catholics march against death penalty, war on drugs

Sinabi sa Bombo Radyo ni Gen. Aquino, bawat pangalan sa listahan ni Mayor Lopez ay may nakalagay na halaga ng transaksyon ng iligal na droga.

Ayon kay Aquino, malawak ang drugs operation ni Mayor Lopez sa bansa dahil batay sa kanilang impormasyon, nagsimula ang “drug route” nito sa Batangas, Caticlan, Cagayan de Oro, Ozamiz City at sa Saranggani Province.

Inihayag ng PDEA chief na ang pagkakaugnay ni Lopez kina Parojinog, Colangco at Espinosa ay nagpapatunay na isa siyang drug lord.

“So meron mga mayors, merong governors doon sa listahan, merong mga prominent businessmen. There are about mga, kung hindi ako nagkakamali between 10 to 15 ‘yung mga tao na nandun sa listahan with corresponding amount na nakalagay in millions,” ani Gen. Aquino sa panayam ng Bombo Radyo.

READ  Police Generals Tinio at Pagdilao, dinismis sa serbisyo kaugnay ng illegal drugs

Source link

Post Comments