NCRPO, hinigpitan ang seguridad sa SONA dahil sa mga pag-atake ng NPA

     5 months ago
23
Leave a Comment
14 SHARE

Ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mas pinaigting na seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng mga pag-atake na ikinasa ng New People’s Army (NPA) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, kailangan higpitan ang pagbabantay sa komunistang grupo dahil na rin sa naging problema sa peace talks.

Pero nilinaw ni Albayalde na sa ngayon ay wala pa naman namomonitor na anuman banta sa SONA ng pangulo.

Noong nakaraang linggo, nagdesisyon si Pangulong Duterte na tapusin na ang peace negotiations sa National Democratic Front (NDF) matapos magkasa ng mga pag-atake ang NPA sa iba’t ibang probinsya.

READ  4 Pinoy crew ng German container vessel dinukot sa Nigeria

Dahil dito, sinabi ni Albayalde na aabot sa 6,300 na pulis at 300 na sundalo ang idedeploy para magbantay sa SONA.

Papayagan aniya ang mga kritiko ng administrasyon na magsagawa ng kilos protesta sa kanto ng Batasan at Sinagtala roads.

Source link

14 SHARE

Post Comments