NCRPO sa publiko: Total gun ban epektibo na; PTCFOR suspendido

     3 months ago
28
Leave a Comment
4 SHARE

Pina-aalalahanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde ang publiko na epektibo na ngayong araw October 1,2017 ang total election gun ban.

Ayon kay Albayalde na kapag total gun ban ang ibig sabihin nito ay wala ng sinuman ang pwedeng magbitbit ng armas sa labas ng kanilang mga bahay.

Suspendido na rin sa ngayon ang Permit to carry firearms outside residence (PTCFOR).

Dito sa kalakhang Maynila, ayon kay Albyalde na simula alas-12:01 kaninang madaling araw sinimula na nila ang kanilang mga checkpoints sa ibat ibang lugar.

Aniya, hindi lamang sa Metro Manila ang total gun ban kundi sa buong bansa.

READ  Espenido, natuwa sa pananatili sa Ozamiz-PNP; mga residente nagbunyi

Pahayag ni Albayalde na lalo pa nilang pinalakas ang mga checkpoints at palakasin ang police visibility sa buong bansa.

Nilinaw din ni Albayalde na bawal din ang pagbitbit ng armas ng mga uniformed personnel lalo na kapag hindi naka duty ang mga ito.

Aniya, walang exempted sa gun ban.

Epektibo ang gun ban simula October 1 hanggang October 30,2017.

Source link

Post Comments