Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, bumagsak ng 18 puntos

     2 weeks ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

Bumagsak ng 18 puntos ang ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa isinagawang survey ng Social Weather Stations simula September 23 hanggang 27.

Kumpara sa second quarter survey, +48 na lamang ngayon ang net satisfaction rating ng pangulo mula sa dating +66.

15 puntos naman ang ibinaba ng net trust rating ng pangulo na mula sa dating +75 o ‘excellent’ rating ay +60 o ‘very good’ rating na lamang ngayon.

Sa naturang survey, 73% ng mga Pilipino ang mayroong malaking tiwala sa pangulo, 12% ang mayroong maliit na tiwala, habang 15% ang undecided.

Bagaman bumaba sa kabuuan an net satisfaction rating ng pangulo, nananatili namang ‘excellent’ ang rating ng pangulo sa Mindanao na mayroong +76 points o 82% ang satisfied habang 6% lamang ang hindi.

READ  WATCH | Datu to ‘fellow lumad’ Alvarez: Forget ‘duway,’ pass laws protecting tribes instead | News5

Bumaba naman sa ‘good’ ang rating ni Pangulong Duterte sa ibang bahagi ng bansa na mayroong +43 points sa Visayas, +36 sa Balance Luzon, at +44 sa Metro Manila.

‘Very good’ naman ang satisfaction rating ng pangulo sa ABC social class, habang naging ‘good’ na lamang ang rating para sa masa.

1,500 o 600 mula sa Balance Luzon, at 300 naman mula sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao ang respondents sa naturang survey na mayroong plus-minus 2.5% margin of error para sa national percentage.

Source link

3 SHARE

Post Comments