Net satisfaction ratings ni Pangulong Duterte bumaba

     2 months ago
31
3 Comments
6 SHARE

Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ipinalabas na survey ng Social Weather Station (SWS) mula sa “very good” ay naging “good” na ang rating nito.

Isinagawa ang survey mula September 23 hanggang 27 kung saan 67 perscent ng mga adult Filipinos ay satisfied sa performance ng Pangulo habang 14 percent ay undecided at 19 percent naman ang hindi satisfied.

Mas mababa ang nasabing survey kumpara noong Hunyo kung saan mayroon ito +66 na ngayong ay +48.

Bumaba rin ang net trust ng Pangulo na mayroong 73 percent ang nagsabing may “much trust” sila sa Pangulo, 15 percent ang undecided at 12 percent ang nagsabing mayroon lamang silang “little trust” sa Pangulo.

READ  Duterte humingi ng apology kay GMA dahil sa pagmumura sa nakaraang speech

Nanganahulugan na mayroong +60 trust rating ang pangulo na nasa category ng “very good” kumpara noong Hunyo na mayroong +75 o “excellent”.

Isinagawa ang face-to-face interviews ng 1,500 adults sa buong bansa na mayroong 600 sa Balance Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Source link

Post Comments