Netizens, todo-palag sa pagkapanalo ni Horn kay Pacquiao

     5 months ago
81
Leave a Comment
19 SHARE

 

Kahit si Jeff Horn ang idineklarang panalo sa laban, marami ang naniniwalang si Senador Manny Pacquiao ang tunay na nagwagi sa WBO welterweight fight ng dalawa sa Brisbane, Australia kahapon.

Hindi lamang mga ordinaryong Pinoy, kung hindi maging mga celebrities at mga sports stars ang nadismaya sa inilabas na desisyon sa naturang laban nina Pacquiao at Horn.

Idinaan sa Twitter ng sikat na aktor na si Samuel L. Jackson ang kanyang galit sa pagkatalo ni Pacquiao at sinasabing nadaya ang ang pambansang kamao sa desisyon.

Makikita aniya ang ebidensya sa dami ng tinamong pasa at sugat sa mukha ni Horn samantalang halos walang bakas ng tama ang mukha ni Pacquiao.

READ  Pinuno ng Angeles City PNP sinibak dahil sa hulidap

Maging ang retiradong NBA player na si Chauncey Billups at Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves ay nagsabing mistulang nanakawan muli ng panalo si Pacquiao sa desisyon.

Ipinakita naman ng ilan ang resulta ng puch statistics ng laban ng dalawa kung saan makikitang mas maraming suntok na tumama si Pacquiao kumpara kay Horn.

Source link

19 SHARE

Post Comments