North Korea, nakagawa ng hydrogen bomb na gagamitin kasabay ng ballistic missile

     3 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Nakagawa ang North Korea ng isang hydrogen bomb o H-bomb na maaaring gawing bala sa intercontinental ballistic missile.

Ayon sa Korean Central News Agency, posibleng mas malaki ang idudulot ng pinsala ng naturang bomba.

Nabatid na mismong si North Korean leader Kim Jong-Un ang nag-inspeksyon sa naturang bomba sa Nuclear Weapons Institute.

Sinabi ni Kim na ang nasabing H-bomb ay isang thermonuclear weapon na napakalakas ng explosive power.

Lahat aniya ng components ng H-bomb at isandaang porsyentong ginawa domestically.

Una nang nagbanta ang NoKor na magpapakawala ng mga rocket patungong Guam, at noong isang linggo naman, naglunsad sila ng missile patungo naman sa Japan at sa Pacific.

READ  Laughing gas making a comeback as painkiller in ambulances

Source link

0 SHARE

Post Comments