NPA, aatake sa Davao sa SONA ni Pangulong Duterte ayon sa PNP

     3 days ago
47
Leave a Comment
18 SHARE

Pinaplano umano ng New People’s Army na magsagawa ng pag-atake sa Davao bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na pinaghahandaan na ng pulisya ang report na ito.

Nanawagan din si Dela Rosa sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Ayon kay Dela Rosa na maliban sa impormasyon na pag-atake ng NPA ay wala na silang iba pang banta na namomonitor.

Tiniyak din ni Dela Rosa na patuloy ang mga hakbang ng gobyerno para sa kasunduang pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo.

 

Source link

18 SHARE

Post Comments