Number 6 na plaka bawal sa mga miyembro ng gabinete

     5 months ago
51
Leave a Comment
18 SHARE

Muling nagpa-alala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete na huwag gumamit ng “special plate.”

Ito ay ang plaka kung saan nakalimbag ang number “6”.

Ayon kay Duterte, sukang-suka ang mga tao sa tuwing may nakakakitang opisyal ng pamahalaan na gumagamit ng espesyal na plaka o protocol plate.

Kung mababasa lamang daw ng mga government official na guilty sa ganitong gawain ang isip ng taumbayan ay tiyak aniya na hindi gugustuhin o mahihiya ang mga ito sa reaksyon ng publiko.

Sa kabilang banda ay bahala na aniya ang mga nasa legislative at judiciary kung nais nilang gumamit ng special plate.

READ  Lawmakers back DENR's mining clampdown

Paliwanag ni Duterte, separate body ang dalawang sangay ng gobyerno at wala sa kanyang hurisdiksiyon upang sila’y pagbawalan.

Hindi rin saklaw sa pagbabawal ng Duterte tungkol sa special plate ang mga local officials ngunit kasama sa kanyang direktiba ang mga appointed officials sa kanyang administrasyon.

Source link

18 SHARE

Post Comments