‘Odette,’ bahagyang bumilis habang papalapit sa N. Luzon

     1 week ago
9
Leave a Comment
2 SHARE

Bumilis pa ang bagyong Odette habang papalapit sa Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, Ilocos at Cagayan ang posibleng tamaan kapag nag-landfall ang sentro ng bagyo.

Namataan ang mata ng tropical depression Odette sa layong 540 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.

Nakataas ngayon ang signal number one sa mga sumusunod na lalawigan: Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Source link

READ  Matabato, naglagak na ng piyansa sa Manila RTC

Post Comments