‘Odette,’ magdadala pa rin ng hangin, ulan, kahit palayo na

     2 months ago
18
Leave a Comment
0 SHARE

Patuloy pa ring maghahatid ng malakas na buhos ng ulan at pabugso-bugsong hangin ang bagyong Odette kahit papalayo na ito sa landmass ng Northn Luzon.

Ayon kay Pagasa forecaster Nikkos Peñaranda, sa Linggo pa bubuti ang lagay ng panahon sa malaking parte ng Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 45 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 100 kph.

Inaasahang magpapatuloy ito sa direksyong pakanluran timog kanluran sa bilis na 24 kph.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang signal number two (2) sa Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of Islands.

READ  25 estudyante at guro, nasawi sa sunog sa Malaysia

Umiiral naman ang signal number one (1) sa Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao at Pangasinan.

Source link

Post Comments