Oil price hike, nakaamba sa darating na linggo

     1 week ago
5
Leave a Comment
0 SHARE

Inaasahan na namang magkakaroon ng muling pagtataas ng presyo para sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30 kada litro ang itataas para sa diesel,  30 hanggang 40 centavos kada litro para sa gasolina, habang walumpu hanggang siyamnapung sentimo naman kada litro para sa kerosene.

Matatandaang noong nakaraang linggo naman ay nagkaroon ng pagtataas sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG sa halagang 2.74 kada litro o mahigit tatlumpung piso kada-11 kilogram na tangke ng LPG.

Ito na ang ika-walong sunod na linggo ng pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments