Ombudsman Act planong kwestyunin ng Malacañang sa Supreme Court

     2 weeks ago
23
1 Comment
11 SHARE

Pinagaaralan na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagdulog sa Supreme Court para kwestyunin ang probisyon na nakasaad sa Republic Act 6770 o Ombudsman Act kaugnay ng pag-iimbestiga sa isang pangulo ng bansa.

Ginawa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pahayag sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa bilyong pisong bank account ni Pangulong Duterte.

Nag-inhibit na sa naturang kaso si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa pamangkin niya ang asawa ng anak ng pangulo.

Ayon kay Panelo, kwestyunable ang nakasaad sa Section 22 na may kapangyarihan ang Ombudsman na imbestigahan ang mga impeachable officials kasama ang pangulo ng bansa para sa layuning may kaugnayan lang sa impeachment.

READ  Construction sa 5 EDCA locations magsisimula next year - AFP chief

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na kinakausap na niya si Solicitor General Jose Calida para ihayag ang kanyang obserbasyon, at agad naman nitong tiniyak na pag-aaralan niya ito.

Paliwanag ni Panelo, taliwas ang nasabing probisyon ng Ombudsman Act sa ibang batas na nagsasaad na may immunity ang pangulo na masampahan ng kaso, bukod na lang kung ito ay impeachable offense.

Sa huli sinabi ni Panelo na ang Pangulong Duterte pa rin ang magpapasya kung itutuloy nila o hindi ang pagdulog sa Kataas-taasang Hukuman.

Source link

11 SHARE

Post Comments