Online sabong sa Pasig ni-raid, 19 arestado

     3 months ago
54
Leave a Comment
0 SHARE

 

19 na katao ang inaresto sa pag-ooperate ng online sabong sa Pasig City.

Kabilang ang isang Malaysian national sa labing siyam na katao na arestado sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Ortigas, Pasig City dahil sa pag-ooperate ng online sabong at bullfighting.

Kinilala ang Malaysian national na si Leow Wai Pin.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na si Police Senior Inspector Artemio Cinco Jr., sinalakay nila ang Pacific Creative Solutions, Inc. sa Emerald Avenue at Plus 65 Technologies Corporation sa Julia Vargas Avenue sa bisa ng search warrant mula sa korte.

Ayon kay Cinco, isang dating empleyado na hindi umano nakatanggap ng tamang sahod ang nagreport tungkol sa iligal na gawain.

READ  President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN

Sinasabing ang modus operandi ng mga suspek ay magpapalabas ito ng live na sabong mula sa bansa at bullfighting naman mula sa Indonesia at kukuha ang mga ito ng pusta online na magmumula naman sa China, Indonesia, at Malaysia.

Kakasuhan ng paglabag sa Anti-Gambling Law at Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga suspek.

Source link

0 SHARE

Post Comments