‘Oplan tokhang’ ng PNP, tigil na – Gen. Bato

     2 months ago
23
Leave a Comment
2 SHARE

Inatasan na ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang lahat ng police units sa buong bansa na tumalima sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pangunahan ang lahat ng anti-drug operations ng pamahalaan.

Kahapon, October 11,2017 nagbaba ng memorandum ang PNP na nilagdaan ni PNP Directorate for Operations Police Director Camilo Cascolan.

Nakasaad sa nasabing memorandum na limitado na lamang ang papel ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga intelligence information na may kaugnayan sa iligal na droga at kanila itong ibabahagi sa PDEA.

Sa nasabing memo malinaw din nakasaad na lahat ng kaso na may kaugnayan sa iligal na droga ay ililipat sa PDEA.

READ  Duterte pinuri tapang at sakripisyo ng PAF personnel na nasawi, nasugatan sa Marawi conflict

Tigil na rin sa ngayon ang kampanya kontra droga ng PNP gaya ng Oplan Double Barrel kung saan kabilang dito ang “Oplan-Tokhang.”

Inatasan din ang lahat ng mga police units na mag pokus na lamang sa anti-criminality campaign, internal security at anti-terrorism operations.

Inihayag ni Dela Rosa na nirerespeto ng PNP ang desisyon ng Pangulo na ipaubaya na sa PDEA ang pag mando sa giyera kontra droga.

Nauna ng inihayag ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na kanilang pagtuunan ngayon ng pansin ang riding-in-tandem na kanilang susunod na “uupakan.”

Kung maalala na naglabas ng memorandum kahapon ang Malacanang kung saan ibinalik sa PDEA ang kapangyarihan na pangunahan ang kampanya kontra droga ng pamahalaan at binabawi na ito sa PNP.

READ  Customs ‘fixer’ Taguba links Paolo Duterte, Davao councilor to ‘corrupt’ group dealing with BOC | News5

Source link

2 SHARE

Post Comments