P-Noy, kasama sa mga pananagutin sa Dengvaxia issue – Gordon

     1 week ago
13
Leave a Comment
0 SHARE

Kabilang sa mga posibleng panagutin kaugnay ng palpak na dengue vaccine si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, base na rin sa mga nakakalap nilang ebidensya mula sa pagpasok ng nakaraang administrasyon sa Dengvaxia deal at pag-divert ng pondo.

Ayon kay Gordon, mismong si Aquino ang nakipagpulong sa Sanofi Pasture company, kasama ang ilang opisyal ng gobyerno.

Maliban sa China, nagtungo rin ang mga dating opisyal sa Paris para sa nasabing kasunduan.

Bukod sa dating presidente, target din na ipatawag sina dating Health Sec. Janet Garin, dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad at marami pang iba.

READ  Mga kaanak ni Danley mailap magbigay ng pahayag sa nangyari sa kapatid

“Talagang maraming mananagot dyan. Alam mo, aabot ‘yan hanggang sa kataas-taasan dahil may mga litratong kasama sila. Si President (Benigno) Aquino ang nakipag-usap sa Sanofi, kasama si Secretary (Janet) Garin at ilang cabinet members,” wika ni Gordon.

Source link

Post Comments