P1-k budget isang malaking kalokohan – CHR

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Tinawag na isang malaking kalokohan ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang desisyon ng House of Representatives na aprubahan lamang ang P1,000 na budget para sa 2018.

Sinabi pa nito na dapat matauhan ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez.

Dagdag pa nito na kaniyang aalamin ang naging pinakarason kung bakit naaprubahan ang ganoong laki ng budget.

Tiniyak naman ni Gascon na hindi maapektuhan ang kanilang trabaho kahit na nakakuha ng P1,000 na budget.

Binatikos din ni United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary and Arbitrary Executions Agnes Callamard, ang nasabing hakbang kung saan hindi maipapatupad ng CHR ang mandato nito na protektahan ang karapatang pantao.

READ  You Can Enjoy This Stunning Beach in Batangas for Only 700—Perfect for Friends on a Tight Budget!

Magugunitang mayroong 119 na mga kongresista ang pumabor sa motion ni 1-Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta na bigyan ng P1,000 ang CHR habang mayroong 32 naman ang kumontra.

Source link

0 SHARE

Post Comments