P170K na halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

     3 months ago
26
Leave a Comment
18 SHARE

Arestado ang isang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa Cebu City.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Tisa, Biyernes ng madaling araw.

Arestado sa operasyon ang suspek na si Michael James Johnson, 32-anyos.

Nasabat sa kaniya ang P177,000 na halaga ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Christopher Navida, umaabot sa 50 hanggang 70 grams ng shabu ang naibebenta ng suspek linggu-linggo.

Nakakulong na ngayon sa Cebu City Police Office ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

 

 

 

 

 

Source link

READ  IAS at CIDG, pasok na rin sa imbestigasyon sa pagpatay sa 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz
18 SHARE

Post Comments