P5-M na halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa buy-bust sa Maynila; 4 arestado

     2 weeks ago
65
Leave a Comment
136 SHARE

 

Aabot sa P5-M halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa isang buy-bust operation sa Brickstone Hotel, MH Del Pilar, Manila pasado alas-5:30 ng hapon ng Linggo, nakuha ng PDEA mula sa 4 na katao ang 1 kilo ng shabu.

Naaresto sa naturang operasyon ang 2 high valued targets na pawang mga Chinese na sina Hu Li Yue, 54 at isang alyas Tony, 44.

Kasama rin sa mga naaresto ang 2 Pinoy na sina Albert Ferrer, 37 at Bealyn Abaja, 18.

Pinangunahan ng Eastern District Office ng PDEA-NCR ang operasyon makaraang makatanggap ng intelligence sa iligal na gawain ng 4.

READ  NPA Releases Abducted Policemen to Duterte

Sasampahan ng kaso ang 4 ng paglabag sa Section 5, Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source link

136 SHARE

Post Comments