P6-B settlement ng PAL, welcome sa Malacañang

     2 months ago
45
Leave a Comment
3 SHARE

Welcome sa Malacañang ang naging P6-bilyong settlement ng Philippine Airlines sa mga utang nito sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mababayaran na ng PAL ang mga hindi nila nabayarang charges sa pamahalaan noon.

Matatandaang inanunsyo ng PAL at ng Department of Transportation (DOTr) na tinanggap ng pamahalaan ang alok ng flag carrier na magbayad ng P6-bilyong halaga ng mga navigational fees at iba pang charges.

Ani Abella, isa itong patunay na nakikipagtulungan ang mga mamamayan kapag inuuna ng pamahalaan ang national interest.

Gagamitin naman aniya ang perang ito para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan, para masuportahan ang economic capabilities ng bansa.

READ  Faeldon, magpapakulong na lang kaysa dumalo sa Senado

Matatandaang bago ang settlement na ito, binantaan ni Panguong Rodrigo Duterte ang CEO ng PAL na si Lucio Tan na magbayad na ng utang sa gobyerno kundi ay ipasasara niya ang Ninoy Aquino International Airport-Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng airlines mula pa noong 2009.

Source link

3 SHARE

Post Comments