Pacquiao, gustong maganap ang rematch kay Horn sa Pilipinas

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Sakaling magkaroon ng rematch kay Australian boxer Jeff Horn, nais ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao na maganap ito sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na hindi pa pormal na napag-uusapan ng kanyang kampo at ni Horn ang isang rematch matapos siyang matalo sa Australian boxer sa Battle of Brisbane, sa Australia.

Nauna nang nagpahayag sina Pacquiao at Horn na bukas sila para sa isang rematch.

Pero tila nagpahiwatig si Horn na gusto niyang maganap muli ang rematch sa Brisbane, nang sabihin nito na bukas siya na magkaroon ng “Battle of Brisbane 2.”

Pabor naman si Sen. Tito Sotto, na nasa Brisbane para manood ng laban, na maganap ang sunod na paghaharap nina Pacquiao at Horn sa Pilipinas.

Sa katatapos na laban, tatlong judges ang nagbigay ng score na pabor kay Horn.

Pero sa inilabas na punch statistics ng CompuBox, makikita na mas maraming suntok ang napakawalan ni Pacquiao kumpara sa Australian boxer.

Source link

0 SHARE

Post Comments