Pacquiao, napanaginipan ang pagkatalo kay Mayweather at Marquez

     7 months ago
143
Leave a Comment
9 SHARE

Ibinunyag ni Filipino boxing champion at ngayo’y senador Manny Pacquiao na kanyang napanaginipan ang pagkatalo niya kay Floyd Mayweather Jr.

Sa panayam sa kanya ng The Daily Telegraph, kanyang napanaginipan ito isang buwan bago maganap ang laban
niya kay Mayweather.

Ayon kay Pacquiao, kanya itong sinabi sa kanyang team at pastor.

Kinumpirma din ng kanyang adviser na si Michael Koncz at si Top Rank Inc. publicist Fred Sternburg na sinabi sa
kanila ni Pacquiao ang tungkol sa kanyang panaginip.

Natalo si Pacquiao via unanimous decision kay Mayweather sa tinaguriang richest boxing match sa kasaysayan.

Kaugnay nito, sinabi din ni Pacquiao na kanya rin napanaginipan ang pagkatalo niya kay Juan Manuel
Marquez.

READ  Widodo reaffirms Indonesian support vs terror in phone call to Duterte | News5

Source link

9 SHARE

Post Comments