Padilla: Napapabalitang destabilisasyon vs Duterte, malabong manggagaling sa AFP

     2 months ago
21
Leave a Comment
0 SHARE

Tiniyak ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinding-hindi manggagaling sa kanilang hanay ang mga napapabalitang umano’y tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang, sinabi ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, malabong mga sundalo ang magsasagawa ng destabilisasyon dahil alagang-alaga sila ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Padilla, alam ng AFP na mayroon silang commander-in-chief na may malasakit umano sa mga sundalong nagsisilbi sa bayan.

Kasabay nito, pinasalamatan ng AFP si Pangulong Duterte kaugnay sa pangako nitong doblehin ang sahod ng mga sundalo maliban pa sa mga karagdagang kagamitan sa kanilang operasyon laban sa mga banta ng seguridad sa bayan.

READ  96-year-old Man Shows Off The Amazing Miniature City He’s Been Building for 15 Years

The post Padilla: Napapabalitang destabilisasyon vs Duterte, malabong manggagaling sa AFP appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments